![]()
Inanunsyo ng South Korean fandom na Weverse ang nakatakdang pagsama ng dalawang P-pop groups na BINI at SB19 sa “super app” sa March 16 at March 19.
Sa kanilang social media accounts, ipinost ng Weverse ang pangalan ng dalawang P-pop groups matapos pasabikin ang fans nitong nakaraang mga araw.
Ang Weverse ay dinevelop ng HYBE at dinisenyo para sa direct interaction sa pagitan ng mga artist at fans.
Iba’t ibang South Korean groups at artists ang nag-join sa platform upang mabigyan ang kanilang fans ng updates sa daily activities.
