![]()
INIREKOMENDA ni Senate Protect Committee Chairman Sherwin Gatchalian na irefund sa mga oil companies ang binayaran nilang excise tax sa mga nabili nang suplay ng produktong petrolyo.
Ito, anya ay upang agad nang maramdaman ng taumbayan ang epekto ng suspensyon ng excise tax at mabawasan ang presyo ng mga petroleum products.
Kung hindi anya gagawin ang refund ay tiyak na maghihintay pang maubos ang imbentaryo ng langis ng mga kumpanya bago tuluyang maging epektibo ang suspensyon ng pagpapataw ng excise tax.
Ang pagpapatupad ng excise tax suspension batay sa inaprubahang batas ay posible sa April 13 pa mangyari dahil sa kinakailangan pa ng publication ng batas.
