dzme1530.ph

Binay, handang humarap sa conciliation meeting kasama si Cayetano

Handa si Sen. Nancy Binay na humarap sa ipatatawag na conciliation meeting ni Senate Majority Leader Francis Tolentino kaugnay sa inihain niyang ethics complaint laban kay Sen. Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Binay na handa siyang sumailalim sa kung anumang prosesong nais ipatupad ni Tolentino bilang chairman ng Senate Committee on Ethics.

Kasabay nito, aminado si Binay na noong una ay nabahala siya sa naging pahayag ni Cayetano na walang mangyayari sa kanyang reklamo subalit batay naman sa naging pahayag ni Tolentino ay tiwala siyang magiging patas ang pagtalakay sa kanyang complaint.

Samantala, wala nang inaasahang 2nd round ng bangayan sa pagitan nina Binay at Cayetano sa pagdinig mamayang hapon kaugnay sa itinatayong bagong gusali ng Senado.

Ito ay makaraang kumpirmahin ni Binay na hindi na siya dadalo sa pagdinig dahil narinig na niya ang mga detalye na nais niyang matanong mula sa Department of Public Works and Highways.

About The Author