dzme1530.ph

Bilateral ties sa Indonesia, patuloy na palalakasin sa ilalim ng bagong Indonesian leaders —PBBM

Ipagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kolaborasyon at pagpapalakas ng bilateral ties sa Indonesia, sa ilalim ng bago nilang mga lider.

Kasabay ng pagdalo sa kanilang inagurasyon sa Jakarta ay nagpaabot ng pagbati ang Pangulo para kina Indonesian President Prabowo Subianto, at Vice President Gibran Rakabuming Raka.

Sinabi ni Marcos na bilang kapwa founding member ng ASEAN, ang Indonesia ay isa sa pinaka-matagal at pinaka-malapit na katuwang ng Pilipinas sa rehiyon.

Ang okasyon umano ay sumabay din sa nakatakdang paggunita ng ika-75 Anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa sa Nobyembre.

Mababatid na pinalitan ni Prabowo si former Indonesian President Joko Widodo.

Si Gibran naman ay ang panganay na anak ni Widodo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author