dzme1530.ph

Bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China, layuning palakasin sa pagtatalagang Special Envoy kay Ex-DFA Sec. Teddy Boy Locsin

Inihayag ng Malakanyang na ang pagtatalaga kay dating Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. bilang Special Envoy to China for Special Concerns ay may layuning palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas at China.

Ito ay sa harap ng lumalalang sigalot sa West Philippine Sea, kabilang ang panibagong insidente ng pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Gayunman, sa ngayon ay wala pang pahayag ang Palasyo kung may direktang utos na ang Pangulo kay Locsin.

Samantala, kinumpirma rin ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil na mananatili pa rin si Locsin bilang Ambassador ng Pilipinas sa United Kingdom. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author