Umakyat sa 27.2% ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mas mataas ito kumpara sa 25.9% noong December 2024, at pinakamataas simula nang maitala ang record high na 30.7% noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong Sept. 2020.
Sa March 15 to 20 survey na kinomisyon ng Stratbase Group at nilahukan ng 1,800 respondents, lumitaw na mas mataas ng 6% ang involuntary hunger ngayong buwan kumpara sa 21.2% noong Pebrero.
Sa 27.2% families na nakaranas ng gutom, 21% ang dumanas ng moderate hunger o isang beses lang nagutom habang 6.2% ang dumanas ng severe hunger o ilang beses nagutom sa nakaraang tatlong buwan.