dzme1530.ph

Bilang ng pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang sarili na mahirap, pumalo sa 51%

Nanatili sa 51% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na ikinukunsidera ang sarili na mahirap noong March 2023.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, ito ay bahagyang tumaas sa 14 million kumpara sa kanilang naitala noong December 2022 na 12.9 million.

Sa ikinasang survey ng polling organization mula March 26 hanggang 29, 2023, lumabas na 51% ng pamilya sa Pilipinas ang mahirap, 30% ang nasa “borderline” at 19% ang hindi mahirap.

Ang naitalang porsyento ng “self-rated poor” sa buong bansa ay resulta ng pagtaas sa National Capital Region mula 32% noong Disyembre sa 40% at Visayas mula 58% sa 65%.

Habang pagbaba naman ng bilang sa Balance Luzon mula 49% sa 43% at steady numbers sa Mindanao mula 59% hanggang 62%. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author