dzme1530.ph

Bilang ng nasawi sa gumuhong highway sa Guangdong, China, lumobo

Lumobo na sa 48 ang bilang ng mga nasawi makaraang gumuho ang bahagi ng highway sa Guangdong province sa China.

Dahil sa malakas na ulan ay bumigay ang bahagi ng kalsada mula Meizhou City hanggang Dabu County.

Ilang sasakyan ang dumausdos sa bangin na halos 60 talampakan ang lalim.

Bukod sa mga nasawi ay mayroon ding 30 katao na nasugatan sa naturang trahedya.

About The Author