dzme1530.ph

Bilang ng motorcycle taxis, hindi lilimitahan

Kinumpirma ng Philippine Competition Commission (PCC) na hindi ito magpapatupad ng cap o limitasyon sa bilang motorcycle taxis na papayagang bumiyahe sa bansa.

Makakahikayat din anila ito ng marami pang players na pumasok sa lumalaking motorcycle taxi industry sa bansa bukod sa makikinabang dito ang mga komyuter.

Sa pagdinig ng Senate committee on Public Services at Local Government tinanong ni Senador Grace Poe ang posibilidad ng pagpasok ng Grab Philippines sa motorcycle taxi industry.

Sinabi ni PCC Executive Director Kenneth Tane na mas makabubuti sa commuters kung mas maraming players ang magseserbisyo upang magkaroon ng kompetisyon.

Sa guidelines ng Department of Transportation Technical Working Group, tatlong transportation network companies lang ang pinayagang mag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program – ang Angkas, na may tinatayang 50% market; JoyRide at Move It.

Ayon kay Poe, suportado nya ang ligalisasyon ng motorcycles-for-hire sa pamamagitan ng isang batas, hindi dapat magtakda ng limitasyon kung papayagan ang iba pang kumpanya tulad ng ginagawa ng Grab sa Thailand at iba pang bansa para sa mas malayang kumpetisyon.

Sa statement na pinadala sa Senate, sinabi ni Lim na sinusuportahan ng Grab ang panukala na gawing ligal ang motorcycle taxis. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author