dzme1530.ph

Bilang ng mga vote-buying at selling complaint, umabot sa mahigit walong daan

Loading

Aabot sa 806 ang bilang ng kaso ng vote-buying at selling magmula noong araw ng election, mayo a-dose.

 

Sa pahayag ng Commission on Elections, bahagyang dumami ito kumpara sa initial na report na kanilang natanggap mula sa task force na 712 ang nakaraang bilang.

 

Kaugnay nito, nahainan na rin ng show cause order upang pagpaliwanagin ang nasa 212 na mga kandidatong nahuling bumibili ng boto.

 

Ayon naman kay Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr., head ng Comelec committee ng kontra bigay na patuloy silangnakatatanggap ng mga complaint o reklamo at ebidensya sa ahensa.

 

Samantala, ipinaliwanag naman ni Maceda na epektibo pa rin ang disqualification sa mga kandidatong nagsagawa ng election offense, tulad na lamang ng mga petition na inihain bago manalo ang isang kandidato, na maaari pa rin itong masibak sa pwesto, habang ang mga reklamo naman matapos ang election, posible pa rin, subalit, mas mahaba nga lang ang legal process dito.