Lumobo sa 9.4 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong December 2023 mula sa 7.9 million noong Setyembre ng nakaraang taon, ayon sa Survey ng Social Weather Stations.
Ang resulta ng national survey na isinagawa simula Dec. 8 hanggang 11, ay kumakatawan sa 19.5% ng adult labor force.
Mas mataas din ang naturang pigura ng 2.6 points kumpara sa 16.9% na jobless noong September 2023.
Sa paglalarawan ng SWS, ang labor force ay binubuo ng adults o 18-taong gulang pataas na kasalukuyang may trabaho, at naghahanap ng trabaho.