dzme1530.ph

Bilang ng mga Pilipinong nagpapakasal, bumaba dahil sa pinansyal na alalahanin

Loading

Mas kumonti na ang bilang ng mga Pilipinong nagpapakasal dahil sa alalahanin sa pera at kaligtasang pinansyal, ayon sa Commission on Population and Development (CPD).

Ayon kay Mylin Mirasol Quiray, Chief ng CPD Information Management and Communications Division, inuuna ng maraming Pilipino ang kanilang economic well-being bago magpakasal. May ilan ding nakikita ang pagsasama bilang practical arrangement, lalo na kung mabuntis ang partner na babae.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 10.2% ang bilang ng rehistradong kasal noong 2024, mula 414,000 noong 2023, bumaba ito sa 371,825.

Mas maraming bata rin ang ipinapanganak out of wedlock, na umabot sa higit 840,000, kumpara sa mahigit 640,000 na ipinanganak sa mga magulang na kasal.

Ayon sa CPD, may ilan ding pinipiling mag-alaga muna ng pets at maghintay hanggang maging financially stable bago magplano ng sariling pamilya.