dzme1530.ph

Bilang ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo sa 150k sa mga susunod na araw

Inaasahang papalo sa 150,000 ang mga pasaherong dadagsa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa mga susunod na araw habang papalapit ang Holy Week break.

Hanggang ala-6 kagabi ay nasa mahigit 100,000 na ang bilang ng mga biyaherong nagtungo sa PITX para makauwi sa kanilang mga probinsya.

Ayon sa PITX, karamihan sa air conditioned bus patungong Bicol ay fully booked na hanggang sa Huwebes Santo.

Sinabi naman ng dispatcher na si Alfredo Morcilla na nag-request na sila ng mga ekstrang bus, para sa mga walk-in passengers.

About The Author