dzme1530.ph

Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, sumampa na sa walo!

Loading

Umakyat na sa walo ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng isang landfill sa Brgy. Binaliw, Cebu City.

Ayon sa ulat, may dalawa pang katawan ang nahukay mula sa ginawang search and rescue operations sa gabundok na mga basura.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa natitirang 28-missing person, kung saan, tumulong na rin ang 38 na mga tauhan ng 525th Engineering Battalion, at Combat Engineer Regiment ng Philippine Army.

Tumutulong na din sa ‘search and rescue operations’ ang mga chemical biological radiological at ang nuclear troops ng hukbong katihan ng pilipinas. | Via Fremie Princess Belamala