dzme1530.ph

Bilang ng mga nasawi sa nasirang Nova Kakhovka Dam sa Ukraine, pumalo na sa 14

Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 2,700 ang nailikas bunsod ng pagkasira ng Nova Kakhovka Dam sa Ukraine.

Ayon kay Ihor Klymenko, Minister of Internal Affairs, mayroon pang 35 katao ang kasalukuyang hinahanap ng mga otoridad sa Kherson at Klymenko region.

Iginiit naman ng Kherson Regional Military Administration na malaki ang tiyansa na ang Russian military forces ang nasa likod ng pagkasira ng nasabing dam dahil sa tuloy-tuloy na pagpapaulan nito ng missile kahit na patuloy ang ginagawang evacuation sa lugar. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author