dzme1530.ph

Bilang ng mga nakauwing Pinoy mula sa Lebanon, umabot na sa 488

Umakyat na sa 488 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang dependents mula sa Lebanon ang nakabalik na sa Pilipinas, sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) sec. Hans Leo Cacdac, simula nang sumiklab ang hidwaan sa pagitan ng Israel Defense Forces at Hezbollah noong Oct. 2023, mahigit 460 OFWs mula sa Lebanon ang nakauwi na sa bansa, kasama ang kanilang 28 dependents o anak.

Aniya, ang kanilang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pinoy na apektado ng kaguluhan sa Lebanon.

Sinabi rin ng Kalihim na karagdagang 514 pang OFWs ang inaasahang makababalik sa bansa sa mga susunod na araw. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author