Umabot sa 77,410 ang aplikasyon ng Philippine National Police Academy (PNPA) para sa Cadet Admission Test (PNPA-CAT) ngayong taon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, tagapagsalita ng PNPA, ito ang pinakamalaking bilang ng mga aplikante sa kasaysayan ng PNPA-CAT.
Mahigit doble ito sa dating record na 33,085 aplikante noong 2021.
Ang pagiging aktibo ng PNPA at PNP sa social media ang sinasabing dahilan ng panghihikayat ng mga kabataan na pumasok sa serbisyo.
Nakatulong din ang mas madaling proseso ng aplikasyon dahil online na ito.
Inaasahan ng PNPA na madadagdagan pa ang bilang ng mga aplikante dahil mananatili ang aplikasyon hanggang July 30. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News