dzme1530.ph

Bilang ng mga naapektuhan ng sama ng panahon umabot na sa higit 200K —NDRRMC

Loading

Umakyat na sa 201,465 katao o 41,297 pamilya ang naapektuhan ng habagat at nagdaang Bagyong Jacinto, ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Mula sa kabuuang bilang, 140,060 katao ang nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na siyang pinakamalaking apektadong rehiyon. Sinundan ito ng Region 5 na may higit 27,000 katao at Region 9 na may tinatayang 19,000 katao.

Aabot naman sa 1,126 pamilya o katumbas ng 5,067 katao ang kasalukuyang nananatili sa labing-anim na evacuation centers.

Patuloy ang monitoring at emergency response ng mga ahensya ng pamahalaan sa mga apektadong lugar upang matulungan ang mga residente.

About The Author