dzme1530.ph

Bilang ng mga barangay sa bansa na apektado ng ASF, bumaba

Loading

Nabawasan pa ang bilang ng mga barangay sa bansa na may active cases ng African Swine Fever (ASF), hanggang noong katapusan ng Pebrero.

Batay sa tala ng Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry, as of Feb. 28, bumaba pa sa 66 ang red zones o mga barangay na mayroong active ASF cases mula sa 68 noong Feb. 14.

Ang mga apektadong barangay ay naiulat sa walong rehiyon, na kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region, Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Central Visayas, at Caraga.

Sa ngayon ay nagpapatupad ang DA ng mahigpit na border checkpoints sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, kasama na ang government-controlled vaccination, at repopulation upang tulungan ang mga apektadong hog farmers.

About The Author