Sumampa na sa 458 ang mga barangay na apektado ng african swine fever (ASF), o katumbas ng 82% na paglobo kumpara sa naitala ng Bureau of Animal Industry (BAI) nang pumasok ang buwan ng Agosto.
Sa latest bulletin, as of Aug. 21, ang naitalang 458 barangays na mayroong active ASF cases ay mula sa 32 lalawigan sa 15 rehiyon sa bansa.
Kumpara ito sa datos noong Aug. 8, kung saan 251 barangays mula sa 22 probinsya sa 11 rehiyon ang apektado ng ASF.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary for Poultry and Swine Dante Palabrica, na inaasahan na nila ang paglobo ng mga bilang, sa gitna ng maulang panahon.
Idinagdag ng opisyal na ang paglaganap ng ASF ay posibleng dahil din sa mga tiwaling negosyante na nagbi-biyahe ng mga baboy na mayroong sakit. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera