dzme1530.ph

Bilang ng magre-renew ng LTOPF, inaasahang tataas —PNP-CSG

Umaasa ang PNP-Civil Security Group na tataas ang bilang ng magrerenew na mga pulis at sundalo ng kanilang lisensya ng baril.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP-Civil Security Group Spokesperson Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, sa bagong kautusan ni PNP Chief Rommel Marbil, exempted na sa drug tests at neuro test ang mga aktibong pulis at sundalo na kukuha ng license to own and possess firearms (LTOPF) at inaasahan na sa bagong kautusan ay darami na ang mag re-renew ng LTOPF.

Anya, base sa datos ng Civil Security Group mayroong 11,000 na mga expired ang LTOPF sa PNP.

Dagdag pa ni Gultiano, may mga panahon at pagkakataon na hirap ang mga pulis at sundalo na makapag renew ng lisensya ng baril dahil 24/7 ang takbo ng kanilang trabaho.

Dahil dito, naglabas at minabuti umano ng PNP Chief na maglabas ng bagong kautusan upang bigyan sila ng konsiderasyon. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author