“Bigas pa rin ang pangunahing dahilan kung bakit 3.7% ang inflation rate nitong buwan ng Marso, mas mataas kumpara sa 3.4% noong Pebrero.”
Ayon kay Ways and Means panel chairman Joey Salceda ng Albay, 57% ng “total March inflation” ay sa pagkain o bigas na kung hindi lang sa mataas na presyo nito sa global market ay baka nasa 3.1% lang ang inflation.
Sinabi ni Salceda na halos lahat ay nagbabaan ang presyo mula sa mais, isda, gulay at asukal, maliban sa bigas at arina o wheat na mataas pa rin ang presyo kabilang ang tinapay.
Para sa kongresista kailangang itutok talaga ang gameplan sa bigas gaya ng ginagawa ngayon ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel.