dzme1530.ph

Bigas bago pag-ibig, payo ni VP Sara sa mga Pinoy ngayong Valentine’s Day

Pinayuhan ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na maging praktikal ngayong Araw ng mga Puso.

Binigyang diin ng Bise Presidente na mas importante ang bigas kaysa sa pag-ibig.

Sa isang TikTok video, sinabi ni VP Sara sa wikang Bisaya, na “kung meron kang pag-ibig pero wala namang pambili ng bigas, para kang kumain ng kare-kare na walang kanin.”

Nasa Malaysia ngayon si Duterte para gampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization.

About The Author