Agad tumugon ang mga Bicolano legislators sa panawagan na tulungan ang lalawigan ng Masbate na labis napinsala ng bagyong Opong.
Pinangunahan ni Catanduanes Rep. Leo Rodriguez, chairman ng Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development, ang pangangalap ng donasyon mula sa mga kasapi ng komite.
Ayon kay Albay 3rd District Rep. Adrian Salceda, nakalikom na sila ng P1.4 milyon, kung saan labing-isang miyembro sa labing-walong kasapi ang nagbigay ng tig-P100,000 bawat isa.
Kabilang sa mga nagbigay ng tulong sina Reps. Wowo Fortes at Dette Escudero (Sorsogon), Adrian Salceda, Krisel Lagman, Caloy Loria (Albay), Alfredo Garbin (Ako Bicol), Bong Teves, Jr. (TGP Party-List), Josie Tallado (Camarines Norte), Arnie Fuentebella at Nelson Legacion (Camarines Sur), at Leo Rodriguez (Catanduanes).
Umaasa si Rodriguez na madaragdagan pa ang donasyon mula sa iba pang kasapi ng komite.