dzme1530.ph

Bicam report sa PNP Reorganization Bill, aprub na sa Senado

Inaprubahan na ng Senado ang bicameral conference committee report kaugnay sa panukala para sa PNP Reorganization.

Alinsunod sa ratified report sa Senate Bill 2249, tinatanggal na sa mga alkalde at gobernador ang kapangyarihan para sa pagtatalaga ng local police chief sa kanilang lugar at ito ay ililipat na sa pinakapinuno ng PNP.

Mananatili naman sa mga lokal na pamahalaan ang operational supervisoon at control sa mga PNP units kapag naitalaga na ang local police Chief.

Nakasaad din sa panukala na mula sa edad na 56 ay gagawin ng 57 anyos ang edad ng retirement age ng mga pulis.

Pinatataasan din ang status ng mga kadete ng PNP academy at bibigyan sila ng sweldo at benepisyo kapantay ng mga police executive master sergeant.

About The Author