dzme1530.ph

Bicam meeting kaugnay sa proposed 2026 national budget, target tapusin ngayong araw

Loading

Desidido ang bicameral conference committee na tapusin ngayong araw ang pagtalakay sa panukalang 2026 national budget.

Muling ipagpapatuloy mamayang hapon ang bicam meeting matapos mag-suspend pasado ala-1 ng madaling-araw kanina.

Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na nasa 11 ahensya na lamang ang nalalabi sa kanilang pagtalakay, kasama ang Department of Public Works and Highways na naging dahilan ng kanilang pansamantalang deadlock.

Tiniyak naman ni Gatchalian na sa sandaling maipasa nila sa Malacañang ang panukalang budget ay magkakaroon pa ito ng sapat na panahon upang i-review bago lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panig ni House Appropriations Committee Chairperson Mikka Suansing, sinabi niyang ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maiwasan ang reenacted budget sa susunod na taon.

Subalit tiniyak din nilang hindi magkakaroon ng pagkakataon para sa anumang katiwalian o iregularidad ang aaprubahan nilang budget.

 

About The Author