![]()
Inalerto na ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng personnel na nakatalaga sa mga international airport at seaports sa buong bansa, kasunod ng pagpapalabas ng Sandiganbayan ng warrants of arrest laban sa dating kongresista na si Elizaldy Co at 15 iba pa noong Nobyembre 21.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang lahat ng pangalan ng mga indibidwal na sakop ng warrants ay naka-encode na sa centralized derogatory database ng bureau.
Tinitiyak nito na ang frontline officers ng BI ay agad na tutugon upang harangin ang sinumang magtatangkang umalis o pumasok sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Viado na oras na maharang ang mga naturang indibidwal, agad na makikipag-ugnayan ang kanyang mga tauhan sa Philippine National Police para sa legal na pagpapatupad ng mga warrants of arrest.
