Natakasan ang mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) ng isang dayuhang pasahero sa NInoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, matapos na ilagay ang dayuhan sa exclusion room o deny to entry sa bansa.
Ayon kay BI NAIA Terminal 3 Manager Elsie Lucero dumating sa bansa ang Congo National na si Basaga Tshapa Guimick, nitong Linggo, June 18, sakay ng Ethiopian Airlines flight ET-644 mula sa Addis Ababa.
Subalit nakatakas ito kahapon Lunes ng hapon mula sa airline security matapos itong iturnover ng Immigration para isakay pabalik sa pinanggalingan niyang bansa.
Gabi na ng malaman ng Immigration na nakatakas ang naturang dayuhan nang magkaroon ng headcount.
Nabatid na sumabay sa dagsa ng arrival passengers ang dayuhang pasahero ng malingat ang bantay nito at dumaan sa gilid ng E-gates ng immigration sa NAIA bago ito tumakas. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News