dzme1530.ph

BI, nagpaliwanag sa umano’y siksikan ng mga pasahero sa NAIA terminal 3

Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pasaherong bumibiyahe sa ibang bansa hinggil sa napaulat na siksikan sa immigration departure area ng NAIA terminal 3.

Ayon kay Immigration commissioner Norman Tansingco, may sapat silang manpower na nakatalaga sa mga immigration counter sa paliparan.

Paliwanag ni Tansingco bagama’t sapat ang kanilang tauhan sa airport, ang mahabang pila ng mga pasahero ay hindi maiwasan dahil sa paglilipat ng ilang airline mula NAIA 1 patungong NAIA 3.

Dagdag pa ni Tansingco na ang paglipat sa NAIA 3 ng China Southern Airlines, Gulf Air, Jeju Air, Thai Airways, Ethiopian Airlines, Jetstar, Starlux, at Scoot ay nagdulot ng 10% na pagtaas sa average na bilang ng mga pasahero sa Terminal 3 kada araw.

Iniugnay din ni Tansingco ang problema sa pagsisikip sa NAIA 3 sa iba pang mga kadahilanan, tulad ng limitadong espasyo.

Pagkaantala ng flight dulot ng masamang panahon, at ang madalas na pagdedeklara ng lighting alerts na nagreresulta ng sabay-sabay na pagbaba ng mga pasahero mula sa mga apektadong flight. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author