dzme1530.ph

BI Commissioner Norman Tansingco, sisibakin na ng Pangulo

Sisibakin na sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Ito ay sa harap ng alegasyong pagkakadawit ng mga opisyal ng BI sa pagtakas sa bansa ni dismissed Bamban Tarlac mayor Alice Guo.

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, pumayag ang Pangulo sa kanyang rekomendasyong palitan na si Tansingco.

Kaugnay dito, pinayuhan ni remulla ang BI chief na mag-resign na lamang.

Samantala, kinumpirma na rin ni PCO Sec. Cesar Chavez ang nakatakdang pagsibak kay Tansingco. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author