dzme1530.ph

BI, bukas sa modernisasyon ng NAIA

Nakakuha ng suporta sa Bureau of Immigration (BI) ang planong pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BI, mapabibilis ng isinusulong na modernisasyon ang kanilang proseso sa mga pasahero.

Gayung madali na anilang magdagdag ng mga immigration counter sakaling lumuwag sa paliparan, na makatutulong sa mga pasahero upang maiwas ito sa matagal at mahabang pila.

Tiniyak naman ng ahensiya na may sapat itong tauhan na ide-deploy sa mga idaragdag na immigration counters.

Ginawa ng BI ang pahayag matapos sabihin ng Department of Transportation (DOTr) na ang pagsasapribado ng NAIA ay posibleng ipatupad sa unang quarter ng susunod na taon 2024. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author