dzme1530.ph

BI, aminadong hirap sa pagresolba sa suliranin sa human trafficking

Hindi dapat iasa sa Bureau of Immigration (BI) ang pagresolba sa mga kaso ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, upang malutas ang naturang problema ang kailangan ay tulungan at pakikiisa ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Ipinunto ni Tansingco na ang BI ay isa lamang sa mga bumubuo ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na naatasang tumutok at lumutas sa iba’t ibang aspeto ng human trafficking at illegal recruitment.

Dagdag ni Tanaingco na nahaharang ng BI ang mga biktima ng trafficking kapag nahuli nila sa mga pantalan at paliparan ngunit ang paglutas nito ay dapat magsimula sa ugat ng problema.

Giit niya, ang trafficking ay nangyayari sa lahat ng lugar kasama na rito ang mga barangay, lungsod at maging sa online o social network, kaya kailangan ang whole-of-government approach.

Kasama ng BI sa bumubuo ng IACAT ang Department of Justice (DOJ),  Department of Social Welfare and Development (DSWD),  Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas and Employment Administration (POEA), Philippine National Police (PNP), National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) at tatlong kinatawan mula sa non-government organizations. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author