Naitala ng Bureau of Immigration (BI) na umabot na sa 16,200 ang mga Chinese tourist na pinagkalooban ng student visa para makapag-aral sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sa 1,516 na Chinese student sa Cagayan, 485 lamang ang nabigyan ng student visa at kasalukuyang naka-enroll doon, 96 lamang sa mga ito ang naka on-site class habang ang natitira ay naka-remote classes ayon sa kanilang isinagawang verification noong Abril.
Sinabi ni Tansingco na humiling ito sa Commission on Higher Education (CHED) na magpatawag ng high-level meeting sa mga kasapi ng Inter-Agency Committee on Foreign Students (IACFS) upang talakayin ang papel ng bawat ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng pahintulot sa mga banyaga para makapag-aral sa bansa.