Nakatakdang iproklama ng Comelec ang Bagong Henerasyon (BH) Party-list sa susunod na linggo kasunod ng pagbasura sa petition for disqualification na isinampa laban sa grupo at sa nominees nito.
Kasunod ito ng pag-isyu ng Comelec en banc ng certificate of finality at entry of judgement sa disqualification case.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nangangahulugan ito na wala silang natanggap na restraining order mula sa Supreme Court.
Noong nakaraang linggo ay ibinasura ng poll en banc ang motion for reconsideration na inihain ng petitioner na si Russel Stanley Geronimo, at pinagtibay ang May 22 decision ng First Division na nagbasura sa disqualification case bunsod ng procedural defect.