dzme1530.ph

BFP, pinaalalahanan ang mga bibiyahe ngayong Semana Santa para iwas-sunog

Pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga magbabakasyon ngayong Holy Week na alisin sa saksakan ang mga appliances at i-off ang main source ng kuryente upang maiwasan ang sunog sa iiwanan nilang bahay.

Sinabi ni BFP Spokesperson, Fire Supt. Annalee Atienza na maari rin pabantayan ng mga bibiyahe sa kanilang pinagkakatiwalaang kapitbahay ang kanilang tahanan.

Aniya, palagi nilang ipinaaalala na kapag aalis ng bahay, tiyaking nakapatay ang kuryente at nakasarado ang tangke ng LPG.

Binilinan din ni Atienza ang mga biyahero na ilista ang contact numbers ng pinakamalapit na fire station mula kanilang bahay o direktang tumawag sa 911 kapag mayroong emergency.

About The Author