Nanindigan si Executive Secretary Lucas Bersamin na walang iregularidad sa umano’y illegal entry ng tone-toneladang asukal sa bansa bago pa ipatupad ang Sugar Order No. 6.
Ayon kay Bersamin, ang naturang importasyon ay isang hakbang ng pamahalaan para tugunan ang tumataas na inflation at sugar prices.
Ang pagpapalabas aniya ng sugar order ay hindi isang pre-requisite para sa importasyon nito, may ilang paraan din na dapat isaalang-alang sa pag-import ng asukal.
Ito aniya’y sa pamamagitan ng sugar order, mayroon ding dahil sa minimum access volume, may kaugnayan sa probisyon ng Price Act, at ang agarang pagtugon sa panangailangan ng mamamayan na nasa kapangyarihan ng punong ehekutibo.
Giit ni Bersamin, wala silang ginawang iregularidad sa Office of the President noong inilabas ang sugar order at wala aniyang anumang paglabag na ginawa ang sinuman sa mga partido na sangkot sa kinukuwestiyong transaksyon.
Kasunod nito, hinimok ni Bersamin ang senado na rebisahing mabuti ang rules at i-adopt ang pag-amiyenda para mas malinaw ang patakaran hinggil dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo