dzme1530.ph

Benteng bigas, mabibili na sa 94 na lugar sa bansa

Loading

Available na ang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” sa 94 na lokasyon sa buong bansa.

Ang “BBM Na” ay tumutulong sa ibinebentang ₱20 na per kilo ng bigas ng National Food Authority (NFA) para sa mga miyembro ng vulnerable sector at minimum wage earners.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), as of June 23, nasa 542.18 metric tons ng bigas na nagkakahalaga ng ₱10.83 million ang naibenta na mula sa Kadiwa ng Pangulo (KNP) at iba pang accredited sites, at pinakinabangan ng 63,473 households.

Ang KNP outlets, pop-up stores, at partner retailers ay nag-o-operate sa Metro Manila, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, Oriental at Occidental Mindoro, Pangasinan, Bacolod, Siquijor, at 37 sites sa Cebu.

Bukod dito, nasa 34 na kumpanya ang nakiisa sa programa sa ilalim ng partnership ng DA at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa minimum wage earners.

About The Author