dzme1530.ph

Benny Abante Jr., muling idineklara bilang kinatawan ng Ika-6 na Distrito ng Maynila

Loading

Kinatigan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang naunang desisyon COMELEC Second Division na nagpawalang saysay sa proklamasyon ni Joey Chua Uy bilang nanalong kinatawan ng Manila 6th District.

Sa labing limang (15) pahinang resolusyon ng COMELEC en banc na may petsang June 30, 2025, ibinasura ang motion for reconsideration ni  Uy, at in-affirmed ang June 18, 2025 order ng 2nd Division.

Inatasan rin ng en banc ang Manila City Board of Canvassers na mag-reconvene para iproklama si Bienvenido “Benny” Mirando Abante, Jr., ang nag-iisa at kwalipikadong kandidato na nakakuha ng highest number of votes, bilang “duly elected Member of the House of Representatives para sa ika-anim na distrito ng Maynila.

Si Uy na dating konsehal ng Manila 6th District ay napatunayang hindi Pilipino, maging sa kanyang Motion for Reconsideration ay bigo pa rin itong mapatunayan na siya ay isang natural born Filipino dahilan para i-annulled ang kanyang proklamasyon.

About The Author