Ang salami ay isang uri ng sausage na karaniwang gawa sa baboy o baka.
Madalas itong sangkap sa pizza, sandwiches, pasta at kasama sa nilalagay sa charcuterie board.
Ang salami ay mayaman sa protina na mahalaga sa paglaki ng muscle at tissue repair.
Sagana rin ito sa B vitamins gaya ng vitamin B12, thiamine, at niacin para sa maayos na paggana ng utak.
Mayroon din zinc, na kailangan para sa DNA synthesis, paggaling ng sugat, at sa malakas na resistensiya.
Samantala, nagtataglay ang fermented salami ng probiotic o good bacteria. —sa panulat ni Airiam Sancho