dzme1530.ph

Benepisyo ng pag-inom ng sabaw ng buko, alamin!

Ang sabaw ng buko ay naglalaman ng maraming benepisyo na makatutulong upang maging malakas ang ating katawan.

Taglay nito ang mga bitamina at mineral gaya ng vitamin B, B2, B3 at C, lauric acid, iron, potassium, magnesium, calcium, sodium, at phosphorus.

Kabilang sa health benefits ng buko juice ay ang mapalakas ang immune system, malabanan ang mga impeksyon, maka-iwas sa pagtaas ng blood pressure, pang-detoxify ng katawan, panlaban sa dehydration at pampaganda ng kutis. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author