Ang tubo o sugarcane ay isang kilalang halaman na ginagamit upang makagawa ng asukal.
Taglay ng katas nito ang mga bitamina at mineral gaya ng vitamin C, B2, potassium, calcium, magnesium, iron at phosporus na makakatulong upang mapalakas ang ating katawan.
Ang pag-inom ng katas ng tubo ay mainam upang malunasan ang problema sa pag-ihi gaya ng urinary tract infections (UTI) at pagkakaroon ng kidney stones.
Ito rin ay mabisang gamot para sa paninilaw ng mata at balat dahil sa sakit na hepatitis, at lunas para sa taong may fatty liver disease.
Taglay rin ng tubo ang flavonoid at phenolic compound, at sucrose na mainam upang maiwasan ang pagkakaroon ng cancer at sakit sa puso.
Mabisa rin ito bilang gamot sa ubo at sore throat, at isa ring natural energy booster. —sa panulat ni Airiam Sancho