dzme1530.ph

Benepisyo ng coconut oil, alamin!

Umani ng popularidad ang coconut oil sa mahabang panahon dahil sa dami ng benepisyo nito tulad ng weight loss at sa pagbagal ng progression ng Alzheimer’s disease.

Maliban dito, kaya rin nitong panatilihing malusog ang mga ngipin.

Batay sa review ng National Institutes of Health sa kahalagahan ng oil pulling o pagmumog ng langis ng niyog bilang mouthwash.

Natuklasan sa pag-aaral na nakatutulong ang pagmumog nito upang maprotektahan ang mga ngipin laban sa pagkasira dulot ng cavities.

Ipinaliwanag na dahil sa taglay nito ang monolaurin na may antimicrobial effect lumalaban sa mga microorganisms sa oral cavity.

Mainam din ito sa pagpapagaling ng gingivitis at nakatutulong magkaroon ng oral bacterial balance. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author