dzme1530.ph

Benepisyo ng chiropractic treatment, alamin!

Ang chiropractic ay isang therapeautic treatment na ginagawa ng isang lisensyadong physical therapist o lisensyadong chiropractor.

Ang therapy na ito ay nakatutulong na mabawasan ang sakit sa leeg, ulo, ilang bahagi ng likod, at kalamnan.

Ayon kay Dr. Ronald Samaniego, isang licensed chiropractor at doctor ng physical therapy, bago isagawa chiropractic, sinusuri muna ng doktor ang katawan ng isang tao.

Tatlumpung minuto hanggang isang oras ang itinatagal ng therapy kada session depende sa kondisyon ng pasyente.

Nilinaw rin niya na hindi lang isang beses kailangan gawin ang therapy, sapagkat ang pokus ng chiropractic ay baguhin ang muscle memory ng katawan.

Kaya payo ng mga eksperto, maaaring magpamasahe o magpahilot ang isang taong nakararamdam ng pananakit ng katawan, ngunit kung hindi umano nawala ang sakit mas maiging magpakonsulta sa espesyalista. –sa panulat ni Zaine Bosch

About The Author