dzme1530.ph

Benepisyo ng acupuncture, alamin!

Ang acupuncture ay isang traditional Chinese medicine na nagsimula libu-libong taon na ang nakararaan.

Ito ay may kaugnayan sa pagbabara o pagkagambala sa daloy ng enerhiya, o “Qi” na maaaring makasama sa kalusugan.

Upang maibalik ang daloy ng “Qi”, tinuturukan ng ga-buhok na karayom ang mga partikular na bahagi ng katawan upang balansehin ang enerhiya ng katawan, pasiglahin ang katawan at upang makapagpahinga.

Ang acupuncture ay sinabi na makakatulong upang ibsan ang mga kondisyon ng kalusugang gaya ng: arthritis, sakit sa ulo at back pain, depresyon, insomnia, migrain, baradong ilong, stress at marami pang iba.

Sinasabing nakakatulong din ang acupuncture na magpababa ng timbang at ginagamit din ito ng ilan upang huminto sa paninigarilyo at bilang isang bahagi ng paggamot para sa iba pang mga addiction. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author