dzme1530.ph

Pope Emeritus Benedict XVI, pumanaw na sa edad na 95.

Pumanaw na sa edad na siyamnapu’t limang taong gulang ang ika-265 na Santo Papa ng Simbahang Katolika na si Pope Emeritus Benedict XVI.

Sa inilabas na pahayag ni Holy See Press Director Matteo Bruni, binawian ng buhay ang dating Santo Papa sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican nito araw ng sabado 9:34 ng umaga oras sa Roma (5:42 PM oras sa Pilipinas).

Matatandang nitong Miyerkoles, Disyembre abente-otso sa kanyang General Audience sa Vatican ay humiling ng panalangin si Pope Francis sa mga mananampalataya na ipagdasal ang kalusugan ni Pope Emeritus Benedict XVI na may malubhang karamdaman.

“I would like to ask you all for a special prayer for Pope Emeritus Benedict, who in silence is supporting the Church. Remember him – he is very ill – asking the Lord to console him, and sustain him in this witness of love for the Church, until the end.”

Ayon sa Holy See Press Office, Ilalagak ang mga labi ng yumaong dating Santo Papa sa Saint Peter’s Basilica sa Vatican, lunes ng umaga, ika-2 ng Enero 2023 upang makapagbigay-pugay at huling respeto ang mga mananampalataya.

About The Author