dzme1530.ph

Ben Tulfo at ilan pang personalidad, naghain ng kandidatura sa pagka-senador

Patuloy na nadaragdagan nag mga senatorial aspirants na naghahain ng kanilang kandidatura sa pagkasenador.

Kasama sa mga naghain ngayong ikalimang araw ng filing ng COC, ang broadcaster na si Bienvenido ‘Ben’ Tulfo na tatakbong independent.

Sinabi ni Tulfo na sa karanasan niya bilang mamamahayag at paulit ulit na pagtulong sa mamamayan, nakita niya ang broken system sa gobyerno.

Ito anya ang nagtulak sa kanya upang kumandidato sa pagkasenador kasabay din ng kanyang kapatid na si DSWD Sec. Erwin Tulfo.

Kinumpirma rin ng broadcaster na nag-usap-usap naman silang magkakapatid kaugnay sa kanilang mga desisyon at sinusuportahan ang isa’t isa lalo’t nasa dugo na aniya nila ang pagtulong.

Samantala, naghain din ng COC ang construction worker na si Warlito Guadamor Bovier na nagsabing isusulong ang dagdag na sahod sa mga construction worker; gayundin ang negosyanteng si Maria Charito Billiones, isang Leodegario Estrella at si Engr. Jerson Ares na gagawa ng barko na may aparato na lulusaw sa mga bagyo.

Naghain na rin ng COC sa pagkasenador ang labor leader na si Sonny Magtula.

Samantala naghain na rin ng CON-CAN ang ilang partylist group na kinabibilangan ng Aktibong Kaagapay, Construction Workers Solidarity, TGP Partylist, Kabataan Partylist, Kaunlad Pinoy, 1PACMAN, TODA Aksyon, Ako Bisaya at Malayang Liberal na ang first nominee ay si dating Sen Leila de Lima.

Aminado si de Lima na para sa kanya mas malaki ang tsansa nyang makabalik sa Kongreso sa pamamagitan ng partylist sa halip na sumabak muli sa senatorial elections. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author