![]()
Ibinahagi ni Belle Mariano kung paano naging mas malapit at mas malalim ang relasyon nila ni Donny Pangilinan, on and off screen, sa nakalipas na mga taon mula nang mag-umpisa ang kanilang on-screen partnership.
Sinabi ng aktres na si Donny ang tao na puwede niyang tawagan tuwing nalulungkot siya.
Inilarawan ni Belle ang aktor bilang blessing, hindi lamang para sa kanya, kundi pati na sa kanilang supporters.
Idinagdag ng Kapamilya star na kung anuman ang narating niya ngayon ay malaking bahagi nito si Donny na aniya ay talagang espesyal sa kanyang buhay.
