Matapang na inamin ni Bea Alonzo na mayroon siyang hypothyroidism kaya nadaragdagan ang kanyang timbang.
Paliwanag ng aktres na hindi aktibo ang kanyang thyroid gland, kung kaya hindi makapag-produce ng sapat na thyroid hormone at maayos na metaboolism ang kanyang katawan.
Pag-amin ni bea, bukod sa kanyang polycystic ovary syndrome (PCOS), ay na-diagnose din kamakailan na mayroon siyang hypothyroidism kaya siya tumataba.
Pero ayon sa aktres, ginagawan naman na niya ng paraan sa pamamagitan ng pagwo-work-out, proper diet at paginom ng gamot o supplements.
Dahil dito, nanghingi ng suporta si Bea sa kanyang mga fans na ipagdasal siya na malaban ang sakit na ito kasabay na rin ang paghingi ng paumanhin sa kanyang pagtaba kahit naman daw hindi kinakailangan.
Matatandaang, kasalukuyang ring nakikipaglaban sa ganitong medical condition sina Shaina Magdayao, Moira Dela Torre, Angel Locsin at KC Concepcion. —sa panulat ni Jam Tarrayo