dzme1530.ph

Bea Alonzo, nag-back-out sa movie nila ni Alden Richards

Nag back-out ang aktres & vlogger Bea Alonzo sa nakatakda sanang pelikula nila ni Alden Richards na Philippine adaptaion ng “A Moment To Remember”.

Sa isang panayam, inamin ni Bea na “full schedule” ang pinaka dahilan ng kanyang pagtanggi sa proyekto.

Paliwanag ni Bea, puno na kasi ang mga ganap niya this year at ayaw naman daw niyang palaging pag-antayin at mag-adjust ang production at casts para lamang sa kanya.

Gayunman, may mga contractual obligations aniya siya sa GMA network na dapat tuparin, at iyon ay mananatili bilang kanyang top priority. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author