Nag-remit ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng P527.40-M na halaga ng dibidendo sa pamahalaan.
Sinabi ng Government-Owned and-Controlled Corporation, na ang naturang halaga ng dibidendo para sa taong 2022 ay bukod pa sa iba nilang ni-remit sa gobyerno, gaya ng pondo para sa AFP Modernization Program, mula sa base disposal proceeds, at guarantee fees para sa loan ng Subic-Clark-Tarlac expressway.
Gayunman, ang P527.40-M na dibidendo noong nakaraang taon ay mas mababa ng 40% kumpara sa 885-M noong 2021.
Simula nang itatag ang BCDA noong 1993 ay nakapag-remit na ito ng P8.49-B na halaga ng dibidendo sa national government. —sa panulat ni Lea Soriano